Bangkay ng lola, lumutang sa palaisdaan

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lola ang natagpuang lumu­lutang sa isang palaisdaan sa Ma­labon City kahapon ng umaga.

Tinatayang nasa edad 60 hanggang 65-anyos ang biktima na nakasuot ng gray na short pants, puting t-shirt at jacket na asul.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Malabon City Police, alas-2:40 ng umaga nang makita ng caretaker na si Eddie Besanes, 33, na palutang-lutang ang bangkay ng biktima sa binabantayan nitong palaisdaan sa Rodri­guez 2, Merville Subdivsion, Brgy. Dampalit ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima alas-2 ng umaga na nakaupo sa tabi ng tinutuluyan ni Besanes sa nasabing pala­isdaan.

Show comments