2 fetus natagpuan

MANILA, Philippines - Napagkamalang pagkain na naka-garapon ang isang la­laking fetus na nakalkal ng isang basurero sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.

Nakakabit ang pusod, may mga dugo pang bahid ang katawan ng fetus na tinatayang nasa 6 hanggang 8 buwan, na inilagay sa garapon at nakabalot sa plastic.

Dakong alas-11:45 ng umaga nang matagpuan ang fetus sa P. Paredes St., Sampaloc, Maynila.

Pinulot umano ni Maricel Melvin, 30, basurero, ang plastic na may garapon dahil sa pag-aakalang pagkain na pakikinabangan. Nang Makita ang laman ng garapon ay inireport ito kay Chairman Blas Punzalan, ng Brgy. 396, Zone 41 ang natagpuang fetus.

Samantala, isang babaeng fetus ang itinapon sa likod ng isang simbahan kahapon ng umaga sa Malabon City.

Dakong alas-3:30 ng umaga nang matagpuan ang fetus na nakasilid sa kahon sa isang basurahan, likod ng San Bartolome Church, na matatagpuan sa Sacristia St., Brgy. San Agustin, ng nabanggit na lungsod. Tinatayang nasa anim hanggang walong buwan ang naturang fetus.

Show comments