Doktor hulog sa butas ng gusali, patay

MANILA, Philippines - Patay ang isang 81-anyos na doktor matapos mahulog sa isang bilog na butas na daanan ng mga maintenance na kumukumpuni sa gusali, kahapon ng umaga sa Binondo, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Amelito Lopez ng MPD, naganap ang insi­dente dakong alas-11 ng umaga sa klinika ng biktimang si Dr. Nestor Figue­ras, sa 606 Yangco Building C.M. Recto, Tabora Bi­nondo, May­ nila.

Nabatid na ire-report na sana sa pulisya ng kanyang ka-live in at secretary na si Emerita Saraton ang pagkawala ni Figueras nang hindi sinasadyang mapasilip si Theodore Tonando, maintenance ng gusali at nagdudang parang may taong nahulog sa ibaba ng butas.

Agad na tiningnan sa pa­mamagitan ng flashlight at doon nadiskubre na si Figue­ras ang bumulusok sa ibaba.

Hinala ng pulisya aksidenteng nahulog ang biktima at pagkatapos ay inatake na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Nagtamo rin ang biktima ng sugat sa kanang bahagi ng ibaba ng ulo na hinihinalang tumama sa matigas na bagay matapos mahulog.

Show comments