Problemadong magsasaka, nagbigti

QUEZON, Philippines — Dahil sa hindi makayanang problema sa buhay, tinapos ng isang 23-anyos na magsasaka ang kanyang buhay matapos magbigti sa likurang bahagi ng barrack sa Sitio Maligaya, Barangay Limbon ng bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng umaga. Ayon kay SPO1 Noriel Banaag, dakong alas-11 ng umaga nang matagpuan ng katrabahong si Fausto Umali ang katawan ni Carlos Francisco na nakabitin sa punungkahoy Narekober naman ang cellphone ng biktima kung saan nakalagay sa text message ang iniwan na suicide note.

Show comments