Lolo nagkumpuni ng bubong, nahulog, lasog

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang lolong biyudo matapos aksidenteng mahulog at mabasag ang bungo habang nagkukumpuni ng bubong ng kanilang bahay na sinira ng bagyong Pedring kama­kalawa sa Valenzuela City.

Dead-on-arrival sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Juanito Cor­dita, 69, residente ng Dulong Tangke, Brgy. Malinta ng na­sabing lungsod.

Sa report na nakarating kahapon sa tanggapan ng Station Investigation Division (SID) ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente dakong alas-3:00 makaraang umakyat ang biktima sa bubong ng bahay upang ayusin ang nasira ng bagyong Pedring nang aksi­dente itong madulas at mahulog dahilan ng kamatayan nito.

Show comments