Kelot nagbigti sa puno ng manga

MANILA, Philippines - Isang 21-anyos na lalaki ang natagpuang nakabigti sa ilalim ng isang puno ng mangga sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang biktima na si Christian Jambalos, 21, ng Lanzones St., Brgy. Payatas sa lungsod.

Siya ay natagpuan na lamang nakabitin sa ilalim ng puno ng mangga ng isang Robert Mendoza sa loob mismo ng compound ng kanyang tinutuluyan.

Sinasabing huling nakitang buhay ang biktima kasama ang kanyang girlfriend ganap na alas-8:50 ng gabi at nakita umanong lumabas at iniwan ng huli ang una ganap na alas-2:30 ng ma­daling-araw.

Ayon sa pulisya, tinitingnan nila ang alegasyong nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na humantong sa naturang pangyayari.

Gayunman, patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa nasabing insidente upang matukoy ang tunay na dahilan ng pagbibigti nito o kung may naganap na foul play.

Show comments