Forklift operator durog sa troso

MANILA, Philippines - Pisak ang ulo at agad na nasawi ang isang 49-anyos na forklift operator nang ak­sidenteng dumausdos ang mga troso na idinidiskarga sa Port Terminal ng Vitas, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Numeriano Palanas Jr., 49, ng Katuparan, Vitas, Tondo, Maynila at forklift operator In­tegrated Dynamic Ser­vices Incorporated-Pier Group Incor­porated.

Sa imbestigasyon, dakong alas-4:00 ng madaling-araw ng maganap ang insidente sa compound ng Harbor Center Port Terminal Incorporated Road 10 sa Vitas, Tondo.

Nabatid na idinidiskarga umano ang mga troso mula sa cargo vessel na M/V AI RUI XIN patungo sa forklift bago ilipat naman sa stockfile ng kompanya nang aksi­denteng dumausdos ang mga troso mula sa ikaapat na forklift, kasunod ng inoope­rate ng biktima. Magkakahanay umano ang apat na forklift sa paglilipat ng mga troso at nang mabagsakan ang biktima ay naipit pa ito ng manibela na minamaneho niya.

Nalubak umano ang gu­long ng pang-apat na forklift na naging sanhi ng pagdausdos ng inililipat na mga troso.

Show comments