Project Angel Net vs internet crimes inilunsad

MANILA, Philippines - Dahilan sa tumataas na in­­sidente ng mga krimen sa internet na karamihan sa mga biktima ay ang mga ino­senteng kabataan inilunsad kahapon ng PNP-Criminal In­vestigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang Project Angel­ Net.

Sinabi ni PNP-CIDG Chief P/Director Samuel Pag­dilao, ang Project Angel Net ang tututok sa mga kaso ng cybercrimes, pagbibigay proteksyon sa mga bata sa internet pornography at iba pang pang-aabuso sa internet.

Idinagdag pa nito na ang naturang proyekto ay 24 oras ang operasyon na susupil din sa cyber sex, internet gambling na karaniwan na sa mga social working site ang mga target biktimahin, identity theft at iba pa.

Ang CIDG internet child protection program ‘cyber tip line’ website (www.cid gangelnet.ph) ay opisyal na inilunsad kahapon ka­sabay ng pagbu­bukas ng CIDG’s cyber crime operation center.

Sinabi ni Pagdilao na sa pamamagitan ng kanilang ini­lunsad na programa ay ina­a­sa­hang mababawasan na ang tumataas na bilang ng mga krimen sa internet dahilan sa mabilis na itong maaksyunan ng mga awtoridad ngayong magkakaroon na ng cyber tip line.

Show comments