Obrero sinalubong ni 'Kamatayan'

MANILA, Philippines - Utas sa saksak ang isang lalaki buhat sa hindi pa nakikilalang suspek habang papauwi na ang una sa kan­yang bahay kahapon ng uma­ga sa Pasay City.

Nakilala ang biktima na si Joel Mendoza, na bi­nawian ng buhay habang gi­nagamot sa Pasay City General Hospital sanhi ng dalawang saksak sa dibdib.

Naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng umaga sa kahabaan ng F. Victor St., ng naturang siyudad habang naglalakad ang biktima pauwi ng kanilang bahay nang biglang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pinagsasaksak ito.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen.

Show comments