MANILA, Philippines - Nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti ang isang tsuper matapos iwanan ng kanyang ka-live-in kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Patay na nang matagpuan si Ed Cruz, 31, ng Brgy. 35, Area 2, Dagat-Dagatan ng nabanggit na siyudad.
Sa report ng Caloocan City Police, dakong ala-1:30 ng madaling-araw ng matagpuan ang biktima ng kanyang mga kaanak sa loob ng kuwarto nito na nakabigti ng electrical wire.
Ayon sa mga kaanak ng nasawi ilang araw na nilang nakikitang malungkutin simula ng iwanan at hiwalayan ng kanyang kinakasama na pinaniniwalaang dahilan nang pagbibigti nito.