Alitan sa negosyo: 3 bulagta

MANILA, Philippines - Patay ang isang magka­patid makaraang pagbabarilin ng isang lalaki na nasawi rin sa isang rambulan na nag-ugat sa alitan umano sa negosyo sa lungsod Quezon kamakalawa.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police, ang mga nasawi ay kinilalang ang magkapatid na sina Reynold, 32, at Ro­nald Sagun 34, ng Matapang St., Brgy. Payatas sa lungsod at Antonio Tamayo, 47, ng Litex­ Road, Brgy. Payatas sa lungsod.

Naganap ang insidente sa may kahabaan ng Doña Ni­casia St., Brgy. Payatas ga­nap na alas-11:20 ng gabi habang nakatayo umano ang magkapatid sa lugar kasama ang ilang kaibigan ng duma­ting si Tamayo na armado ng kalibre 45 baril.

Dito ay agad na pinaputukan ni Tamayo si Ronald na tinamaan sa kanang balikat. Nang makita naman ni Rey­nold ang pangyayari ay agad na sinaklolohan ang kapatid at inatake ng saksak si Tamayo sa dibdib.

Ngunit kahit sugatan si Tamayo ay nagawa pang paputukan nito si Reynold na ti­namaan sa kaliwang dibdib at braso dahilan para kapwa sila duguang humandusay sa kalye.

Business rivalry ang si­ni­silip na ugat ng naturang in­si­­dente dahil kapwa mga nag­­bebenta umano ng tingi-ti­nging krudo ang mga nasawi. Gayunman, patuloy pa ang imbestigasyon na isinasa­ gawa ng pulisya.

Show comments