2 kelot todas sa sariling baril

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang kapwa nasawi sa pama­magitan ng kanilang sari­ling baril nang isa ang magbaril dahil sa pag-iwan ng kanyang misis habang isa naman ang namatay nang paglaruan ito, sa magkahiwalay na insidente sa Caloocan at Pasay City.

Sa ulat ng Caloocan police, dakong alas-2:50 ka­hapon ng madaling-araw nang magpatiwakal ang 32-anyos na si Mark Cesar Gutierez sa loob ng kanyang bahay sa may Malolos Avenue, East Bagong Barrio.

Mag-isa umanong umi­inom ng alak ang biktima sa kanyang bahay dahil sa pagiging aburido matapos iwan ng kanyang misis nang isagawa ang sinasabing pagbaril sa sarili.  Nareko­ber ng pulisya ang kalibre .38 baril na hinihinalang ginamit sa pagpapatiwakal.

Dakong ala-1 kamaka­lawa naman ng hapon nang masawi ang 33-anyos na obrero na si Vicente Roca. 

Nabatid na nakikipag-inu­man ito sa mga kasamahan sa trabaho sa ha­rap ng kanyang bahay sa no. 738 E. Rodriguez St., Brgy. Malibay, Pasay.

Makalipas ang isang oras, inilabas umano nito ang kanyang kalibre .38 baril at inumpisahang mag­ laro ng “Russian roulette”. 

Unang itinutok ng biktima ang baril sa paa ng isa sa kainuman at kinalabit ang gatilyo ngunit masu­werte na hindi natiyempo sa bala.

Sunod na itinutok ng biktima ang baril sa sentido nito saka kinalabit ang gatilyo ngunit minalas ito na natapat sa kanya ang bala na dumiretso sa kanyang ulo. 

Hindi na umabot ng buhay sa San Juan de Dios Hospital ang biktima.

Show comments