Kuripot, sinaksak ng kainuman

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondis­yon ngayon ang isang 19-anyos na lalaki makaraang pagsasaksakin ng kanyang kainuman nang hindi umano makihati sa bayad sa chit sa kanilang mga nainom sa isang videoke bar, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Inoobserbahan sa Fatima Medical Center sanhi ng da­lawang saksak sa ka­tawan si Ruel Café, 19 ng Ibayo St., Malinta, Valenzuela, samantalang na­da­kip naman ang suspect na si Marlon Auditor, 23 ng Martin St., Santulan, Ma­labon City.

Batay sa ulat ng Caloo­can police, hapon pa lang ay nag-inuman na ang biktima at suspect sa isang video bar sa McArthur Highway, Bgy. Marulas ng lungsod.

Alas-7 ng gabi nang  mag­pasya ang suspect na hingin ang chit at hingan ng share ang biktima na walang naibigay. 

Dahil dito, napilitan ang suspect na bayaran ang chit at paglabas ng bar ay inaway nito si Café hanggang sa magsuntukan at humantong sa pananaksak ng una sa huli.

Show comments