Mukha ng driver, inilabas ng MMDA

MANILA, Philippines - Inilabas na kahapon ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) ang mukha ni Daniel Espinosa na target ngayon ng ope­rasyon.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na ito’y upang mas lalo pang mapabilis ang pagha­hanap sa suspek.

Sa pagpapalabas ng larawan, maaaring agad na makilala ito ng mga nais maging informant lalo na’t nagpalabas na ang MMDA ng P100,000 reward money sa sinumang makapagtuturo sa pinagtataguan nito at mag­reresulta sa kanyang pagkakadakip.   

Show comments