Kelot binoga sa ulo

Manila, Philippines - Utas ang isang 33-anyos na lalaki nang barilin sa sentido ng hindi pa kilalang suspect sa Port Area, Maynila, kamaka­lawa ng gabi. Nakilala ang nasawi na si Jesus Rivera, ng Baseco St., Port Area. Dakong alas-7 ng gabi nang barilin umano ang biktima sa hindi mabatid na dahilan. Walang impormasyong nakuha hinggil sa motibo at pagkakakilanlan sa salarin. Patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso.

Show comments