MANILA, Philippines - Naalarma si Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos hinggil sa pagdami ng mga residente ng lungsod na nagkakaroon ng sakit na Human Immune Virus (HIV).
Ayon sa Alkalde, may pitong kaso sila ng HIV at ang dalawa sa mga ito ay namatay na. Hindi na binanggit ni Mayor Abalos ang kasarian ng dalawang namatay na pawang residente ng Mandaluyong.
Sa ngayon ay nagsasagawa na sila ng “full awareness campaign” sa mga barangay para maiwasan ang pagkalat ng sakit at pagdami ng mga individual na nagkakaroon ng wala pang lunas na karamdaman.
Inatasan na rin niya ang city health department na isailalim sa masusing pagsisiyayat ang lahat ng aplikante na kumukuha ng medical certificate at tiyakin na ligtas sa HIV bago bigyan ng sertikasyon.