Mag-asawa timbog sa droga

MANILA, Philippines - Natimbog ng mga ope­ratiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang mag-asawa matapos na makuhanan ng may 30 gramo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Mandaluyong City, iniulat kahapon.

Sa ulat ni Regional Director Wilkins M. Villanueva kay PDEA director General Under­secretary Jose S. Gutierrez Jr., ang mga suspect ay sina Norman Bedo at Rugaya Bedo mga residente sa nasabing lungsod.

Ayon kay Villanueva, nasakote ang mag-asawa matapos na makipagtransaksyon ang kanilang tropa sa mga ito para bumili ng droga.

Sinasabing ang mag-asawa ay nakumpirmang nagbebenta ng droga sa nasabing lugar kung kaya agad nilang pinlano ang isang buy-bust operation.

Nagkasundo ang PDEA agent at mga suspect na mag­papalitan ng items sa may bisinidad ng Samat St., corner Shaw Blvd., Brgy. Highway Hills sa lungsod ganap na alas-4 ng hapon.

Nang iabot ng suspect na lalaki ang droga sa agent ng PDEA ay agad na dinampot ang mga ito kasabay ng pagkumpiska sa may 29.215 gramo ng droga.

Show comments