Nanita dedo sa boga

MANILA, Philippines - Butas ang mukha ng isang 39-anyos na lalaki makaraang pagtripang barilin ng grupo ng kabataan na kanyang sinita sa pag-inom ng alak sa kalye sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Alvin Gonzales, 30, ng Country Homes, Brgy. Bagong Silangan sa lungsod.

Naganap ang insidente dakong alas-8:20 ng gabi kamakalawa sa may Bora St., Brgy. Bagong Silangan nang sitahin ng biktima ang isang grupo ng mga kabataan na nag-iinuman sa daan. Dalawa sa mga suspect ay nakilala sa mga alyas na Buboy at Ricky Muslim.

Hindi umano nagustuhan ng grupo ng mga suspect ang ginawang pagsita ng biktima kaya nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa magbunot ng baril ang isa sa mga suspect at binaril ang biktima, saka mabilis na nagsipagtakas.

Show comments