MANILA, Philippines - Isang lalaking fetus ang nakitang lumulutang sa isang ilog sa Caloocan City kamakalawa.
Dakong alas-5 ng hapon nang matagpuan ang wala nang buhay na fetus ng mga residente ng Barangay 175, Camarin ng nabanggit na siyudad.
Napansin ng mga ito na lumulutang sa ilog ang naturang fetus na sa una ay inakala nilang manika dahil nakatuwad pa ito.
Pinagtulungang itong sungkitin, subalit laking gulat ng mga residente na bangkay pala ito ng isang fetus, na pinaniniwalaang itinapon na lamang sa ilog.
Kaagad na ipinagbigay alam ng mga residente sa barangay ang insidente at mabilis na rumesponde ang mga kagawad ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa nasabing lugar.
Sa ginawang pagsisiyasat tinatayang nasa pagitan ng walo hanggang siyam na buwan ang fetus.