Lolo nagtampo kay lola, nagbigti

MANILA, Philippines - Isang 60-anyos na lolo ang iniulat na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti    matapos ang hindi pagkakaunawaan sa kanyang misis sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Si Romy Quita, ng South Suzuarigue, Brgy. Old Balara, ay nagawa pang maitakbo ng kanyang kapitbahay sa East Avenue Medical Center ngunit idineklara rin itong patay.

Ayon kay PO3 Jimmy Jimena, may-hawak ng kaso, nag-ugat ang insidente nang magtampo umano ang nasawi sa kanyang misis matapos na hindi pumayag ang huli sa gusto ng una na huwag magtrabaho o mangalaykay ng basura.

Gayunman, hindi nagpapigil ang misis dahilan upang magtampo ang mister at mag-inom ng alak.

Matapos mag-inom, ganap na alas-5 ng hapon ay natagpuan na lang ang biktima ng kanilang kapitbahay na si Boyet habang nakabitin sa kisame ng kanilang bahay gamit ang tela na itinali sa kanyang leeg.

Show comments