MANILA, Philippines - Epektibo na sa darating na Enero 15 ng taong ito ang P40 singil sa unang 500 metro at dagdag na P3.50 sa susunod na 300 metrong takbo ng taxi sa Metro Manila.
Ito ang napag-alaman sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) makaraang aprubahan bago magtapos ang taong 2010 ang P10.00 flagdown rate hike petition na naisampa sa ahensiya ng Philippine National Taxi Operator Association (PNTOA) at ng pamunuan ng R& E taxi bunsod na rin ng tumaas na halaga ng produktong petrolyo, maintenance fee at spare parts. Hindi kasama sa fare hike sa taxi ang mga taxi units sa Baguio City. Huling nagkaroon ng taxi fare noong 2002.
Nakasaad din sa patakaran ng LTFRB na kabalikat ng fare increase sa taxi units ang pagsusuot ng mga driver nito ng puting polo shirt na may collar, may meter receipt ang sasakyan, tama ang selyo ng metro ng taxi, bawal mangontrata at mamili ng pasahero. May mahigit 5,000 unit ng taxi sa Metro Manila ngayon.