2 biktima ng salvage natagpuan sa Maynila

MANILA, Philippines - Dalawang hindi pa kilalang lalaki ang natagpuang patay at may mga marka ng sakal sa leeg saka itinapon sa Radial 10 Zaragosa St., Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Isa sa biktima ay inila­rawang nasa edad 30-35, nasa 5’4 ang taas, kayumang­gi, may hikaw sa kaliwang tenga at nakasuot ng asul na t-shirt at khaki na short pants, may mga tattoo na ”Rex”, “Melody”, at “Ido”  sa likuran.

Halos ka-edad ng una ang isa pa na may taas na 5’5’’, kayumanggi, medium built , nakasuot ng itim na  corduroy pants, brown t-shirt at may mga tattoo na ”Cherry Joy”, “Emma”  sa kanang  dibdib at 3 “X”, sa kanang balikat.

Sa ulat ni PO1 Michael Payon, napuna umano ng naglalakad na mag-asawa ang dalawang lalaki na inaka­lang nakahiga lamang sa kalsada at agad na ipinaalam sa barangay na nang tingnan ay doon nadiskubre na mga patay na ang biktima.

Dinala ang bangkay ng mga biktima sa St.Patrick Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.

Show comments