Dalagita napagalitan ng ina, naglason

MANILA, Philippines - Matapos pagalitan ng ina dahil sa hindi pagpasok sa eskuwela, isang 14-anyos na nene ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pag-inom ng silver cleaning solution sa Navotas City kahapon.

Kaagad na nasawi si Rea Patricio, residente ng 14 Unit C Go­vernor Pascual Ave­­nue, Brgy. Sipac ng na­sabing lungsod.

Sa report na nakuha mula sa Station Investigation Division (SID) ng Navotas City Police, nabatid na  dakong ala-1:30 kahapon ng hapon nang matuklasan ang bangkay ng biktima sa loob ng bahay nito sa nabanggit na lugar.

Ayon sa naging salaysay ng amain nito   na si Ricardo Marquez, Jr., nagulat na lamang siya nang makitang nakahandusay ang katawan ni Rea habang bumubula ang bibig.

Agad   ipinaalam ang pangyayari sa ina ng biktima ngunit hindi na nila nagawa pang maisugod si Rea sa pagamutan dahil agad itong binawian ng buhay.

Napag-alaman sa mga awtoridad na bago ang insidente ay pinagalitan ang biktima ng kanyang ina dahil sa hindi nito pagpasok sa paaralan na labis na posibleng dinamdam ni Rea at dahilan nang pagpapakamatay.

Hanggang sa kasalukuyan naman ay pa­tuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy kung may naganap na foul play sa pagpapa­kamatay ng biktima.  

Show comments