MANILA, Philippines – Naaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) Interpol Division ang isang miyembro ng sindikato ng Yakuza na sinasabing nakapuga sa kulungan sa Tokyo, Japan.
Kinilala ni BI officer-in-charge Ronaldo Ledesma ang pugante na si Eiichi Sugimoto,49, na kasalukuyang nakapiit sa Immigration jail sa Bicutan, Taguig City.
Ipinag-utos na rin ni Ledesma sa BI board of Commissioners ang deportation kay Sugimoto dahil sa pagiging overstaying, undocumented at undesirable allien.
Si Sugimoto ay may nakabinbing arrest warrant mula sa summary court sa Tokyo kaugnay sa pandaraya sa dalawang kasamahang Hapones ng P25 milyong yen bilang puhunan sa Duty-Free shop at restaurant malapit sa Mactan Airport sa Cebu noong March 2009.
Nadiskubre rin ng BI mula sa Japanese Embassy na si Sugimoto ay dating miyembro ng Sumiyoshi Kai Koehi family ng Yakuza.