Consultant inatado

MANILA, Philippines - Bangkay na nang ma­tagpuan ang isang consultant ng Urban Integrated Consultant Inc. (UICI) na tadtad ng saksak sa katawan sa loob ng kanyang tahanan sa lungsod Quezon.

Dakong ala-1 ng matagpuan ang bangkay ng biktimang si Meinard Pigao, 44, binata, ng 4-D Road 6 Bgy., Proj. 6, sa naturang lungsod.

Ayon kay Edgard kapatid ng biktima, ilang beses niyang tinangkang ta­wagan ang cellphone ng kapatid pero hindi niya ito makontak, kung kaya nagdesisyon na siyang puntahan ito ng personal sa kanyang bahay.

Subalit, ilang beses umano niyang tinawag ang pangalan ng kapatid ay hindi ito sumasagot, da­hilan para magdesis­yon siyang sirain na lang ang kandado ng pinto nito kung saan tumambad sa kanyang harapan ang duguang katawan ng biktima.

Hinihinala ng awtoridad na pagnanakaw ang motibo ng hindi pa nakikilalang suspect dahil nawawala ang cell phone, wallet, relos at bracelet ng biktima.

Show comments