2 salvage victims, kinilala

MANILA, Philippines - Kinilala ng mga kaanak ang dalawang bangkay ng la­laking hinihinalang biktima ng salvage na natagpuan  sa Paco, Maynila, noong Linggo ng madaling-araw. Ayon kay Estrella Dar Juan, 46, ng Malabon City  anak niya ang biktimang si Christian Dar Juan, 28 , habang kinilala naman ni   Michelle Cadorniga, 29, ang isa pa sa biktima na si   Ramil Mijares,18 na kanya umanong kaanak.  Sinabi ni Estrella na noong Nobyembre 6, dakong alas-7 ng gabi nang  umalis umano si Christian sakay ng motorsiklo at kasama ang isa pang biktimang si Ramil at simula noon ay hindi na nakauwi pa sa kanila.   Una nang natagpuan ang dalawang bangkay sa  panulukan ng Lantin at Figueroa Sts., Paco, Maynila na kapwa  nakatali ang kamay ng packaging tape at plastic straw patalikod at kapwa tadtad ng bala sa katawan. Ayon umano sa nakuhang impormasyon ng Manila Police District-Homicide Section, ang dalawa ay kilalang snatchers sa kanilang lugar.

Show comments