MANILA, Philippines - Isang 16-anyos na dalagita na may kapansanan sa pag-iisip ang pinagsamantalahan sa loob ng comfort room ng Reception and Action Center ng Manila-Social Welfare and Development sa Arroceros, Maynila kahapon.
Dahil sa pagsusumbong ng isang bata sa security guard na si Rommel Casiano, 36, nahuli sa akto ang gina gawang panghahalay ng suspect na si Nino de Guzman, 26, may-asawa, na isa sa kinakalinga ng RAC matapos damputin ng mga tauhan ng Manila-DSWD sa Luneta Park, habang natutulog noong Oktubre 12, 2010
Hindi naman makapagsalita ng normal ang biktimang itinago sa pangalang “Giselle”, na diumano’y kinalinga din ng RAC mula noong Oktubre 1, 2010 matapos i-rescue sa paggala sa kalye at ipinapagamot sa National Center for Mental Health (NCMH).
Sinabi ng sekyu na habang nagbabantay siya sa gate ng RAC, isang bata ang lumapit at isinumbong na may lalaki at babaeng nasa loob ng CR dakong alas-10:30 ng umaga kahapon. Agad itong tinungo ng sekyu kung saan nakita nito ang mga nakasabit na damit sa pinto ng CR.
Pinasok ito ni Casiano at doon naaktuhan ang gina gawang panghahalay ng suspect sa biktima. Agad nitong binitbit ang suspect.
Hinihintay pa ang resulta ng medico legal examination sa biktima habang nakapiit na sa MPD-Integrated Jail ang suspect na sasampahan ng kasong rape in relation to RA 7610 (child abuse).