Natalo sa 'Lucky 9', pumatay

MANILA, Philippines - Tinodas ang 36-anyos na lalaki ng kanyang ka­pitbahay na tinalo niya sa sugal na ‘Lucky 9’ sa isang lamayan ng patay sa Tondo, Maynila kaha­pon ng umaga.

Patay na nang idating sa Gat Andres Bonifacio Memorial Hospital ang bikti­ mang si Sitchman Auman, ng Area H, Gate 20, Parola compound, Tondo sanhi ng dalawang saksak na tinamo sa kali­wang bahagi ng kanyang katawan.

Tinutugis naman ang suspect na kinilalang si Raul Domingo   na tuma­kas matapos ang isina­gawang krimen. 

Naganap ang insi­dente dakong alas-6:00 ng umaga nang maga­nap ang insidente sa burol ng kapitbahay sa Palagatac covered court, sa Area H, Gate 20, Parola compound, Tondo, Manila.

Sinabi ni Joana Rose, nakababatang kapatid ng biktima, habang umiinom ng kape ang kaniyang ka­pa­tid na nasa lamayan ay sinu­god umano ng suspect at walang sabi-sabing si­nak­sak. Nagawa pang ma­ka­takbo ng ka­niyang ka­patid subalit hinabol muli ng suspect at muling inunda­yan ng saksak bago tumakas.

Nabatid din na ‘bangka’ umano sa lucky nine ang biktima at natalo ang suspect sa laro na posibleng ikinagalit nito. Aalamin din kung may iba pang motibo sa pama­maslang.

Show comments