Pagrebisa sa kaso ng mga dayuhan, iniutos ng BI

MANILA, Philippines - Ipinag-utos kahapon ng Bu­reau of Immigration (BI) ang malawakang pagrerebisa sa mga kaso ng dayuhang bi­langgo upang mapadali ang pagpapatalsik sa mga ito.

 Sa isang memorandum na ipinalabas ni BI officer-in-charge Ronaldo Ledesma ipinag-utos nito ang masusing pag-aaral sa mga nakabinbin na kaso ng mga detenido sa BI detention center sa Bicu­tan, Taguig City.

Ayon kay Ledesma, layu­nin ng pagrebisa na mapaliit ang bilang ng dayuhang bilanggo upang makatipid ang pama­halaan sa panganga­laga sa mga ito.

Bukod dito, nais din ni Le­desma na malaman kung anu-ano ang mga dahilan kung bakit tumatagal ang kaso ng isang dayuhan

Paliwanag pa ni Ledesma na maaari lamang tumagal ang pagpapatalsik sa isang dayu­hang nagkasala sa batas kung may nakabinbin itong kasong kriminal, sibil o admi­nistratibo.

Sa kasalukuyan, umaabot sa 64 ang bilang ng dayuhang nakakulong sa BI detention cen­ter.

Show comments