Ulo ng binata sinibak

MANILA, Philippines - Mistulang ginawang buko ang ulo ng isang binata matapos na tagain nang nagwawala niyang kalugar sa Navotas City kama­kalawa ng gabi.

Nasa kritikal na kondisyon at nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng taga sa ulo ang biktimang si Isidro Mura, 32, ng Little Samar, San Jose ng lungsod na ito.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa “alyas Russel”. Sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng magwala ang suspect dahil na rin sa sobrang kalasingan kung saan napagbalingan nito ang biktima na bigla na lamang tinaga sa ulo.

Duguang bumagsak ang biktima at dinala ito ng kanyang mga kaanak sa naturang pagamutan, habang mabilis namang tumakas ang suspect.

Show comments