Planado ng dating asawa at lover... Nurse binigti sa hotel, nakaligtas

MANILA, Philippines - Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang 23-anyos na lalaking nurse makaraang makahulagpos sa pagkakabigti at pana­naksak ng dating misis at lover nito sa loob ng hotel sa Pasay City, kahapon ng madaling-araw.

Nagpapagaling ngayon sa ospital dahil sa tina­mong tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng kata­wan at marka ng pagka­kabigti sa kanyang leeg si Mark Raeniel Salartin ng 2715 Bautista Street, Pun­ta Sta. Ana, Maynila.

Kapwa nakapiit ngayon sa himpilan ng pulisya ang mag-lover na na sina Jennifer Panganiban ng 109 Urb­ano Velasco Ave. Pi­nagbuhatan, Pasig City at Ramon John Edward Pla­ ci­do, 23, ng Blk. 132 City Homes 2 San Francisco Street, Mandaluyong City.

Sa ulat ng pulisya, na­ganap ang krimen pasado alas-3 ng madaling-araw sa loob ng Shogun Hotel sa Pasay City.

Nabatid na nakipagkita si Panganiban sa hiniwa­layang asawa na si Salartin sa Room 516 upang pag-usapan ang kanilang pro­blema.

Napag-alamang naki­paghiwalay ang babae kay Salartin dahil sa hindi pag­kakaunawaan sa ma­raming bagay kung saan nakisama naman si Pa­nganiban kay Placido.

Nabatid na nanggugulo si Salartin sa relasyon ng dalawa kung saan nais makuha muli ang asawa.

Sa loob ng motel, ha­bang naghahalikan ang dating mag-asawa, biglang pumasok si Placido at pi­nuluputan ng nylon cord ang leeg si Salartin. 

Nagawa namang man­laban ng biktima kaya ito pinagsasaksak ni Placido at kinaladkad sa loob ng banyo.

Sa kabila nito, nagawa pa ring makahulagpos ni Salartin kay Placido at makalabas ng kuwarto. Agad namang nadakip ng mga security guard ng motel sina Placido at Panga­niban na kapwa nahaharap ngayon sa kasong frustrated homicide.

Show comments