Kotse vs motorsiklo: Technician lasog

MANILA, Philippines - Patay ang isang technician makaraang mabangga ng isang kotse habang sakay ng kanyang motorsiklo, kahapon ng umaga sa Taguig City.           

Kahit na nakasuot ng helmet, nagkabali-bali naman ang katawan ng biktimang nakilalang si Nelson Apostol, 28, ng Masbate St. , Zone 5, Signal Village, ng naturang lungsod. Hawak naman ngayon ng pulisya ang naka­bangga sa biktima na si Segundo Reyes, 48, vice-pre­sident for operation ng Philippine Air Force Cooperative.           

Naganap ang insidente dakong alas-8:20 ng umaga sa kahabaan ng Veterans Road, sa naturang lungsod. Sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo na may plakang 3361-PD nang makasalubong at mabangga ng kotseng Toyota Corolla (USW-803) na mina­maneho ni Reyes. Sa lakas ng pagkakabangga, may 10 metrong tumi­lapon ang biktima at nagkalasug-lasog ang kata­wan sa pagbagsak nito sa semento.

Show comments