Dalagitang pipi at bingi lasog sa truck

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 16-anyos na dalagita, na isa umanong pipi at bingi, nang yayain umano ng kaibigan na bumili ng pag­kain ma­tapos masa­ga­saan at makaladkad ng de­livery truck habang tumatawid, kahapon ng madaling-araw, sa Er­mita, Maynila.

Lasug-lasog ang ka­­tawan ng biktimang si Sarah Bautista, ng P. Bur­gos St., Avenue, Maynila.

Sa ulat ni SPO2 Glen­more Vallejo, ng Manila Traffic Bureau, dakong alas-2 ng ma­daling-araw nang ma­ganap ang insi­dente sa Lawton, Ermita.

Inihayag ng ina ng biktima na si Aling Ma­rites na natutulog na sila at nabigla na la­mang nang mapansing wala na sa higaan ang anak. Na­tuklasan niya na niyaya pala ito ng kaibi­gan na bumili ng pag­kain.

Nabatid na habang tu­matawid ang biktima ay hindi umano nito narinig ang paparating na deli­very truck kaya nasagi ito, nasaga­saan at naka­ladkad pa ng ilang metro.

Mabilis namang tu­ma­­kas ang driver ng na­sabing deli­very truck na may pla­kang RCJ 264.

Ayon kay Vallejo, aala­min nila sa Land Trans­portation Office (LTO) ang nakuhang plate number upang ma­tukoy ang kom­panya at masakote ang driver na suspect sa hit-and-run.

Show comments