Boarder, timbog sa panggagahasa

MANILA, Philippines - Arestado ang isang lalaki matapos umanong pagsa­mantalahan nito ang anak na dalagita ng kanyang ka­sera na may sakit sa pag-iisip kamakalawa sa Caloo­can City.

Nakakulong sa Caloocan City Police detention cell at nahaharap sa kasong rape in relation to child abuse ang suspect na si Edgar Swin, 25, ng Dagat-Dagatan ng nabanggit na lungsod.

Sa inisyal na pagsisi­yasat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon sa loob ng ku­warto ni Rhea, 15. Ang suspect ay boarder ng ina ng biktima.

Nabatid na sinamantala ng suspect ang pag-iisa sa kuwarto ni Rhea at isina­gawa ang panghahalay.

Tiyempo namang du­mating ang kapatid ng bik­tima at humingi ng tulong sa mga kagawad ng baran­gay, na nagresulta sa pag­kaka­dakip sa suspect.  

Show comments