Salvage victim lumutang sa Ilog Pasig

MANILA, Philippines - Isang hinihinalang biktima ng summary execution ang lumutang sa Pasig River, malapit sa Delpan road, Tondo, Maynila, kahapon ng ma­daling-araw.

Sa ulat ni Det. Jaime Gonzales, ng Manila Police District-Homicide Section, nakagapos ng packaging tape ang ulo ng biktimang inilara­wang nasa 25 hang­gang 37 ang edad, may taas na 5’6, katamta­man ang panganga­tawan at walang suot pang-itaas.

Nakita din ang kulay berde na tuwalyang nakapulupot sa leeg ng biktima na hinihinalang ginamit pansakal o pam­bigti.

Isang Gloria Sablad, 53, ang nakakita sa lu­mulutang na bangkay habang naglalakad sa Delpan. Agad nitong ipinagbigay-alam sa mga tanod ng Bgy. 649 Zone 28 sa Baseco Compound, Tondo, ang bangkay.

Naaagnas na umano ang bangkay na hinihi­nalang may ilang araw nang patay. Dinala ang bangkay sa St. Harold Funeral Parlor.

Show comments