Salvage victim natagpuan

MANILA, Philippines - Isang lalaking pinanini­wala­ang karnaper ang na­tagpuang patay at may mask­ing tape ang mukha kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Habang sinusulat ang balitang ito, inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima kung saan ito ay nakasuot lamang ng kulay itim na underwear  at may tattoo ng Bahala na Gang at Nonie Kulit sa kanang tuhod.

Samantala, blanko pa ang Caloocan City Police kung sino ang responsable sa pag-salvage sa biktima.

Lumalabas na balot na masking tape ang mukha ng biktima kung saan nakasulat ang markang “huwag tularan, karnaper ako.” at matinding bugbog sa ka­tawan na sina­sabing ikina­matay nito.

Show comments