41 katao arestado sa liquor ban

MANILA, Philippines - May 41 katao na lumabag sa ipinatu­tupad na liquor ban bago magsimula ang botohan ang iniulat na nadakip ng awtoridad sa magkaka­ hiwalay na operasyon sa Quezon City.

Ayon kay Chief Supt. Benjardi Mantele, direc­tor ng QCPD, ang naturang mga suspect ay naaresto simula nang ipatupad ang liquor ban nitong May 9 hanggang May 10 kaugnay pa rin ng 2010 election. 

Nabatid na sa 41 katao, 19 dito ay na­aresto sa iba’t-ibang lugar na sakop ng  Nova­liches Police Sta­tion (PS-4), habang anim naman ang nahuli sa nasasakupan ng Masambong Police Station (PS-2).

Samantala, ang nati­tirang 16 katao naman ay nadakip sa operation ng mga operatiba ng District Police Intelligence Unit (DPIOU) ganap na alas -8 hanggang alas-9 gabi habang aktong umiinom ng alak sa kanilang mga lugar.

Dagdag ni Mantele, ang mga suspect ay ini­harap na sa inquest pro­ceedings sa Quezon City Prosecutor’s Office at maaring mabilanggo ng isa hanggang anim na taon.

Show comments