MANILA, Philippines - Binigyan ng sampung araw ng Court of Tax Ap peals ang Bureau of Internal Revenue upang sagutin ang petisyon na inihain ng United Transport Koalisyon (1 UTAK) party-list na naglalayon na mapigil ang implementasyon ng pagpataw na 12% Value Added Tax (VAT) sa toll fee.
Ayon kay CTA Associate Justice Juanito Castañeda Jr. ang palugit sa respondent ay bilang pagkomento sa isinumiteng memoranda ng 1UTAK bilang suporta sa nauna nitong inihain Petition for Review with an Application for a Temporary Restraining Order and /or Writ of Preliminary Injunction noong ika-16 ng Abril, 2010.
Sa ginanap na pagdinig, sinabi ni Castañeda matapos ang 10 araw pagkomento ng BIR na tumatayong respondent ay saka madedetermina ang pagpapalabas ng desisyon kung papanigan o hindi ang kampo ng petitioner para sa hinihinging TRO at writ of preliminary injunction
Sa kopya pa ng petisyon na inihain ni 1 UTAK representative Vigor Mendoza II nakasaad na walang legal basis ang imposition ng 12% VAT sa toll fee kung pagbabasehan ang phrase ng “sale or exchange of services”.