Estudyante ng PUP natagpuang patay

MANILA, Philippines - Isang third year engineering student ng Polytechnic University of the Philippines ang nadiskubreng patay sa loob ng tinutuluyan niyang kuwarto, sa Sta,. Mesa, Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Jomar Trinindad, 21 anyos, at nanunuluyan sa Rm.4 ng GSIS Building sa Sta. Mesa.

Sa ulat ni Det. Dennis Javier ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7:00 ng umaga nang ma­tuk­lasan ng mga kasamahang okupante ang nangangamoy nang bang­kay ng biktima.

Napilitang buksan ang silid nito ng mga kasamahan dahil hindi na umano nila nakitang lumalabas sa nakalipas na isang maghapon at isang magdamag.

Walang palatandaan na nagpakamatay ang biktima maliban sa nakitang mga likidong bumula sa bibig nito na pina­niniwalaan mula sa katawan nito nang malagutan ng hininga.

Nabatid din ng imbestigador na may matagal nang idina­daing na pananakit ng ulo at tiyan ang biktima.

Show comments