^

Metro

Electric bill sa Abril pinarerebisa

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Iginiit ni Makati Mayor at United Opposition vice-presidential bet Jejomar Binay sa Energy Regulatory Commission na rebisahin nito ang “electric bills” ng Manila Electric Company sa kanilang mga kliyente makaraan ang ngitngit ng mga ito dahil sa labis na paglobo ng singil ngayong buwan ng Abril.

Inayudahan ni Binay ang reklamo ng mga consumer ukol sa pagdoble ng singil sa kuryente kung saan ang mga dating nagbabayad ng P700 ngayon ay pinagba­ bayad ng P1,400. Kahit saan umano siya pumunta, ito ang reklamong nadidinig niya sa taumbayan lalo na iyong mga “minimum wage earners”.

Naghanda naman umano ang mga consumer ng pagtaas dahil sa panawagan ng Meralco bago mag-Abril. Ngunit sobra umano ang pagtataas ng doble na labis na umapekto sa pang-araw-araw na budget ng isang mahirap na pamilya. Wala rin umano sa “timing” ang pagtataas dahil sa maraming mga magulang ang nag-iipon para sa tuition fee at uniporme ng kanilang mga anak na papasok sa paaralan.

“Bilang pabor naman sa mga mahihirap na consumers, maaari po bang pakirebisa ang komputasyon ngayong Abril upang malinawan kung papaano naka­rating ang Meralco sa naturang mga pigura na maging ako ay labis na nagulat,” hiling ni Binay sa ERC.

ABRIL

BILANG

BINAY

ENERGY REGULATORY COMMISSION

JEJOMAR BINAY

MAKATI MAYOR

MANILA ELECTRIC COMPANY

MERALCO

UNITED OPPOSITION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with