MANILA, Philippines - Kinasuhan ng corruption of public official sa Manila Prosecutor’s Office ang dalawang babae na nagtangkang manuhol sa mga tauhan ng Manila Police District kapalit ng pabor na iuurong ang pagsasampa ng mga kasong may kaugnayan sa iligal na droga laban sa kanilang naarestong kaanak.
Sa ulat ni Supt. Ramon Pranada, hepe ng MPD-Station 4, inaresto na rin nila at kinasuhan sina Mary Ann Engraciala, 42, ng Geronimo St., Sampaloc, Maynila at Mary Lord Dulay, 32, ng Marcos St., Malinta, Valenzuela.
Sinabi ni Pranada na tinangkang suhulan ng mga suspek ng P10,000 ang kanyang mga tauhan noong Abril 6 para mapalaya ang isang Normilyn Dulay na nakulong dahil sa kasong drug pushing.
Tinanggap ng mga pulis ang nasabing halaga subalit hindi pinakawalan si Normilyn at sa halip ay inaresto din sila gamit ang ibinigay na P10,000 bilang ebidensiya.