Biruan nauwi sa patayan

MANILA, Philippines - Nauwi sa pagpatay sa isang 45-anyos sidecar boy ang kaniyang pagbi­biro sa kapwa sidecar boy nang magka­pikunan ha­bang nahuhuntahan sa pilahan ng pasahero, sa Gagalangin,Tondo, May­nila, kahapon ng umaga.

Patay na nang idating sa ospital ang biktimang si Alfredo Abaycar, alyas “Al” ng Adriatico St. Gaga­langin, Tondo dahil sa sak­sak na tinamo sa dibdib.

Itinuturong suspek ang isang Gener Ocupan, alyas “Mong “ 28, residente ng Bulacan St., Gaga­langin, Tondo, na isa ding sidecar boy sa na­sabing lugar.

Dakong alas-7:30 ng umaga ng maganap ang insidente sa tapat ng palengke sa Pampanga St., cor. Sunog Apog St., Ga­­galangin Tondo, Manila.

Nabatid na isang Jason Asibar ang kasamang kabiruan ng suspek at biktima nang mapikon ang suspek.

Sinasabing napikon ang suspect at umuwi ng bahay at sa pagbalik at may dala na umanong Swiss knife na agad ipi­nang-saksak sa biktima at pagkatapos ay mabilis na itong tumakas.

Show comments