32 DEPED Officials pinag-Hongkong: Muntinlupa Mayor kinasuhan

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng katiwalian sa tanggapan ng Ombudsman si Muntinlupa Mayor Aldrin San Pedro dahilan sa umanoy pagdadala ng 32 Department of Education (DepEd) officials  na all-expense paid trip sa  Hong Kong noong Enero ng taong ito.

Sa  28-pahinang  joint complaint-affidavit na isinampa sa Ombudsman ni  Muntinlupa Councilor Allen Ampaya at isang Amelita Argana, inakusahan ng mga ito si Mayor  San Pedro nang pag-impluwensiya  sa mga opisyales ng DepEd  na isang paglabag sa batas nang gastusan ang mga taga Deped papuntang Hong Kong noong Enero 28 hanggang 30.

Paglabag sa section  3(a) ng  Anti-Graft and Corrupt Practices Act na may kinalaman sa section 4(b)   ng  Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees ang isinampa  ng mga ito kay San Pedro .

Kabilang sa mga  DepEd officials na ginastusan umano ni San Pedro sa Hong Kong ay ang 10 division supervisors, 2 division coordinators, at 18 elementary at high school principals ng DepEd Muntinlupa City, gayundin din kasama ang 7  Muntinlupa City officials at employees na nakatalaga sa  San Pedro’s office.

Sinabi ni Atty  Harry Roque na sila ay magsasampa ng katulad na kaso sa Commission on Elections (Comelec).  (Angie dela Cruz)

Show comments