Sekyu patay sa bigti

MANILA, Philippines - Isang security guard ang patay matapos na mag­bigti sa sarili dulot ng nararanasang sakit sa tiyan  sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Edacio Silos, 40, ng 95-A Park 7, C. Salvacion St., Loyola Heights sa lungsod.

Ayon sa ulat, du­ma­ranas umano ng pana­nakit ng tiyan dahil sa gall bladder ang sekyu at na­operahan umano ito noong Nobyembre 20, 2009.

Natagpuan na lamang ang biktima ng kanyang mga kaanak na sina Rio at Rosalie Rivera habang na­kabitin gamit ang sin­turon, ganap na alas- 8 ng gabi.

Agad na kinalas ng da­lawa buhat sa pagkakabitin ang biktima at isinugod sa Fairview General hospital ngunit idineklara din itong patay. (Ricky Tulipat)

Show comments