3 bebot tiklo sa abortion pill

MANILA, Philippines - Isang lola na nagbebenta ng pampalaglag na tabletang ‘cytotec’ at dalawa niyang babaeng kliyente ang nadakip ng pulisya sa Sta. Cruz, May­nila kamakalawa ng hapon.

 Nakapiit sa Manila Police District-Station 3 ang mga na­arestong sina Carmelita Buan, 66, biyuda, residente ng squatters’ area ng Rodri­guez St., Pasay City; Sheila Bingco, 22, at kapatid nitong si Judelyn , 27, kapwa dalaga ng 2125 Tolentino St., Liber­tad, Pasay City.

Sa ulat ni Supt. Nelson Yabut, hepe ng MPD-Station 3, dakong alas-5:30 ng hapon nang arestuhin ang mga sus­pek sa 3rd floor, Manila City Plaza sa kanto ng Evangelista at Cabildo Sts. sa Sta. Cruz.

May nagbigay ng impor­mas­yon sa presinto hinggil sa nasabing bentahan at agad namang rumesponde ang pulisya na nagkataong na­aktuhan ang mga suspek sa aktong pagbili sa vendor ng cytotec o ‘Micropostal’.

Nakuha sa pag-iingat ni Buan ang P1,300 cash na bayad sa tableta at 12 pira­song cytotec naman ang na­kuha sa magkapatid.

Kasong paglabag sa Sec­tion 11 ng RA 3720 na inam­yen­dahan ng RA 9711 (Food, Drug Devices and Cosmetic Act) ang isinampa laban sa tatlo. (Ludy Bermudo)

Show comments