Makati City pinagbabayad ng P1.2-bilyon sa deficiency tax

MANILA, Philippines - Pinagbabayad ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang lokal na pamahalaan ng Makati ng mahigit P1.2 bilyon bilang deficiency taxes.

Ang naturang utang ay para sa taxable years 1999 hang­gang 2001 at taxable years 2002 hanggang 2004.

Inisnab naman ng BIR ang petition for review na isinumite ng Makati City government   hinggil sa deficiency taxes nito dahilan sa kabiguan ng lokal na pamahalaan na mag- apela sa loob ng reglementary period bago magpalabas ng   as­sessment ang Court of Tax Appeal para dito. Sinabi ni BIR Commis­sioner Joel L. Tan-Torres na sinusunod lamang nila ang tinatakda ng Tax Code ka­ugnay ng ginaga­wang kam­panya ng ahensiya hinggil sa pagbubuwis.

Ani Tan-Torres malaking tulong sa koleksyong buwis ang salaping malilikom mula sa Makati City government. (Angie dela Cruz)

Show comments