^

Metro

3 buwang kulong ipinataw ng korte sa Bise at 7 konsehal

-

MANILA, Philippines - Pinatawan ng paru­sang tatlong buwang pagkakulong ng isang huwes ng Pasay City Regional Trial Court si Vice-Mayor Antonino Calixto at pito pang kon­sehal dahil sa kasong contempt na nag-ugat sa hindi pagsunod sa ka­utusan ng hukuman.

Bukod dito, pinagmu­multa rin ng tig-P20,000 ni RTC Branch 117 Judge Eugenio Dela Cruz sina Calixto, Councilors Ri­chard Advincula, Maria Luisa Petalio, Rey­naldo Padua, Ian Ven­divel, Imelda-Calixto-Rubiano, Arnel Arceo at Antonia Cuneta.

Binigyan naman ng 10-araw na palugit ni Dela Cruz ang walo na magsu­mite ng kanilang tugon sa kautusan bago ito ipatupad.

Sa rekord ng korte, nag-ugat ang contempt kina Calixto nang mag­sampa ng kaso ang Young Builders Corp. laban sa lahat ng lokal na opisyales ng pamaha­laang panlun­sod ng Pasay kabilang na si Mayor Wenceslao Trini­dad ukol sa nahintong kontrata sa pagtatayo ng bagong gusali ng City Hall.

Pumabor naman si Dela Cruz sa YBC mata­pos na magpalabas ng Temporary Restraining Order na pumipigil sa al­kalde, bise alkalde at mga konsehal na kanse­lahin ang multi-milyong kontrata sa pagtatayo ng bagong gusali pati na ang paglala­bas ng committee report.

Sa halip namang tu­mugon sa utos ng korte, naghain pa ng petisyon sina Calixto na humihiling na bitawan na o mag-inhibit sa kaso si Judge Dela Cruz na tinanggihan naman ng hukom noong Disyembre 14, 2009 dahil sa kawalan ng merito.

Nakasaad pa sa da­lawang pahinang kautu­san ng korte na ang hindi pagsipot ng bise alkalde at mga kaalyadong kon­se­hal sa mga itinakdang pagdinig ay malinaw na wala na silang hangaring tumugon sa kautusan na malinaw na pagbalewala o indirect contempt. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ANTONIA CUNETA

ARNEL ARCEO

CALIXTO

CITY HALL

COUNCILORS RI

DANILO GARCIA

DELA CRUZ

IAN VEN

JUDGE DELA CRUZ

JUDGE EUGENIO DELA CRUZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with