P1-M reward vs Jason Ivler inilabas ng NBI

MANILA, Philippines - May patong na isang milyong piso ang ulo ni Jason Ivler, pamangkin ng folk singer na si Freddie Aguilar at suspect sa pag­paslang sa anak ng Mala­cañang official kamakailan.

Ayon kay Atty. Angelito Magno, hepe ng NBI-Special Action Unit (SAU), ma­kakatanggap ng pa­buyang P1-milyon ang makaka­pagturo para sa ikadarakip ng 27-anyos na Ivler, na res­ponsable sa pa­mamas­lang sa anak ni Under­sec­retary Renato Ebarle Sr., ng Office of the Pre­si­ dential Staff, na si Re­nato Victor Ebarle Jr. sa isang gitgitan sa trapiko.

Nabatid kay Magno na mismong ang Office of the President ang nagbigay sa 50 porsyentong pabuya o P500,000.

Kasunod ito ng pagka­bigo ng Quezon City Police District (QCPD) na ma­aresto si Ivler nang sala­kayin ang bahay nito sa Blueridge A Subdivision in Quezon City. 

Ibinunyag din ni Mag­ no na marami nang naka­alis patungong iba­yong dagat na may pa­nga­lang Jason Aguilar at lahat umano ay nabe­ripika nila na nega­tibo o hindi na­man si Jason Aguilar Ivler, na hina­han­ting ng mg awtoridad.

Noong Disyembre 8 lamang ay personal na bumisita si Usec Ebarle sa NBI upang i-follow up ang kaso matapos mapaulat na nakatakas palabas ng bansa si Ivler, umapela rin si Ebarle kay Ivler na lumutang na at sumuko upang harapin ang asunto.

Show comments