Police asset itinumba

MANILA, Philippines - Isang lalaking sinasabing asset ng pulisya ang binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang salarin sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Alejandro Andrade, 26, ng Phase 10 Bagong Silang ng lungsod.

Base sa ulat, ala-1 ng hapon, nakatayo at nagyoyosi ang bik­tima sa Balwarte st., Bagong Silang ng lungsod nang sumulpot ang suspek at pagbabarilin si Andrade. Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek at iniwan nakatim­buwang ang biktima.    

Si Andrade ay sinasabing asset ng pulis na nagtuturo ng mga pusher na sinasabing dahilan upang patayin ito ng mga nasagasaan sa droga. (Lordeth Bonilla)

Show comments