MANILA, Philippines - Binalaan ni Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) Chairman Alberto Suansing ang mga isnaberong taxi driver na papatawan ng parusa sa oras na ireklamo sa kanyang tanggapan lalo na ngayong holiday season.
Ayon kay Suansing, bukas ang kanyang tanggapan sa lahat ng sumbong at reklamo laban sa mga taxi driver na mamimili at mang-iisnab ng pasahero laluna sa mga malls at ilan pang mga pamilihan.
Anya aabot sa multang P1,500 ang penalty sa unang offense o posibleng makansela ang driver’s license nito sakaling maulit na maireklamo sa pang- iisnab sa mga pasahero. (Angie dela Cruz)